Nag-iisip....! Hmmm... Sa mga oras na ito, masarap sanang matulog muna.. Pero di ko alam, sa di malamang kadahilanan naisipan kong sumulat ng kahit ano dito sa blog ko. Dahil sa wala naman pa kong maisip kung anong isusulat ko, mas minabuti ko na magtanong ng ilang bagay sa sarili.
Ano nga bang araw at petsa ngayon?
Ngayon ay ika-apat ng hulyo, taong dalawang libo at sampung taon (july 4, 2010). Ah.. Eh ano nmang meron ngayon, may kakaiba ba o special sa araw na'to? Ang alam ko, may sunday service ngaun.. Kaya special ang araw na ito dahil araw ito ng PANGINOON, ito ang araw ng pagpupuri, pagsamba, pasasalamat at pagbibigay kaluwalhatian kay YAHWEH. Bilang isang lingkod at mananampalataya kay Cristo, ang araw na ito o ang araw ng linggo ay special na araw dahil ito ay para kay YAHWEH.
Pero maliban dito, ano pa nga bang meron ngayon? Naalala ko birthday nga pala ni "joy", hmmm.. Di pa ko nakakabati, wala kasi akong load.. Hehe. Ok, birthday nya.. Pero other than that.. Ano pa nga bang meron ngayon? Hmmmm.. Lets think...!?!???
Aha!!!... TAMA... Ngayon ay July 4, 2010.... Oo nga... Kung meron mang isang bagay na special sa araw na ito, malibang sa sunday service o birthday.. Ngaun ang araw na ako ay isang taon na dito sa gawain sa Entrusting The Word Fellowship. Isang taon na rin pala ang nakalipas, ang bilis ng araw. Sa isang taon na paglilingkod na pinagkaloob sakin ng PANGINOON, andami kong natutunan, maraming pagsubok at pagtatagumpay, pagpapala at problemang dumating sa buhay ko, pero sa lahat ng iyon.. Ang PANGINOON, kailanman ay hindi ako pinabayaan. Sa isang taon na lumipas, marami akong mga bagong naging kaibigan at kapatid dito sa ETWF.. Nung una ay halos nanibago ako, bagong mga kapatid ang aking nakilala at nakasalamuha.. Pero sa tulong ng PANGINOON, nakapg-adjust naman ako. Naging malaking pagpapala sakin ang ako ay napunta sa ETWF.. Isang prebilehiyo na ako ay narito at nakapaglilingkod sa PANGINOON. Ang aking dalangin, PANGINOON, ako ay patuloy MO pong pagkalooban ng karunungan at sa Iyong salita at patuloy akong turuan. Patuloy MO po akong turuan na lumakad sa IYONG kabanalan at katuwiran. Patuloy na IKAW oh YAHWEH ay makasama ko sa aking buhay. Ang IYONG kalooban oh YAHWEH ang patuloy na manghari sa aking buhay.
Its a special day cause i am now 1 year old sa paglilingkod sa PANGINOON dito sa lugar ng San Carlos.. Sa Entrusting The Word Fellowship..
No comments:
Post a Comment