Sa maraming pagkakataon, pangkaraniwan na maririnig sa mga tao ang magreklamo kapag dumadating o napupunta sila sa isang lugar o sitwasyon na sadyang di kanais-nais. Sila yung mga reklamador na walang ginawa kundi magreklamo at minsan din akong nakabilang sa mga uri ng taong ito. Oo, isa akong reklamador.. Dati.. (hanggang ngaun, ganon pa din ba? Hmmm.. Ewan).
Sa mahigit na 2 taon kong pagtatrabaho, maraming bagay ang aking naranasan. Naranasan kong mapagod (physical, mentally & emotional tirenes..), ma-stress, sumakit ang ulo, mangarag, mahigh-blood, antukin, mayamot, maasar at magkasakit ng dahil sa hirap ng trabaho. Ng una, halos gusto ko ng magresign na dahil sa "injustice" decision ng management ng company na i-under kami ng contractual sa agency, matapos kaming i-evaluate at sabihing probi na kami, eh nagbago daw ang isip nila. Haaay, actualy nagresign kaming lahat kaso ako napigilan kasi nagcounter offer sila ng mas mataas na sahod at gnawa na kong probi. Sa araw ding iyon, nakita ko kung paanong ang PANGINOON ay laging nandun at di ako pinapabayaan. Nakita ko na may magandang plano ang Diyos sa buhay ko. Sa unang araw ng pagiging probi ko sa company, excited ako kahit alam akong ma-iistress na naman ako dahil sa work, haaay.. Lumipas ang 8 buwan, halos susuko na ko... Pero bigla akong nabuhayan ng ipadala ng hr ang papers ko na regular na ko.. Yehey... Siyempre natuwa ako kaya kahit mahirap ang trabaho.. Go..go..go...
Sa paglipas ng panahon, para bang unti-unti ring nawawala ang sigla ko sa pagtatrabaho.. Dumating ang audit season at ayun.. Dahil sa wala na kaming supervisor, kinailangan kong gawin ang trabaho ng visor kya sangkatutak na overtime, pagod, puyat at stress ang inabot ko, sa panahong yun nakita ko kung gano katalino ang PANGINOON, nilagay Niya ko sa trabahong mahirap hindi para maistress ako kundi ginamit Niya lamang ito upang ako ay matuto. Nang matutunan ko kung ano ang trabaho ko, unti-unting nanumbalik ang aking sigla sa trabaho dahil nagiging madali na kahit papano ang ginagawa ko. Pero, kung kelan naging ok ang lahat, eto naman ang kaguluhan.. Dahil sa pagbagsak ng ibang affiliate companies namin, kinailangang i-centralized ang trabaho.. Kung dati 3 company lang ang hawak ko ay naging 5 ito.. Ang siste, ang dinagdag saking trabaho ay yung sobrang gulo at puros back-log pa.. Tapos wala na naman kaming visor kaya ako na nman ang gagawa ng lahat.. Woooh..(mabuhay pa kya ako nito..). Nakakashock ang mga pangyayari pero this time, natuto na ko.. Di ko alam kung ano gagawin ko kya nanalangin ako sa PANGINOON kung kelangan ko na bang lumipat at maghanap ng trabaho o manatili pa sa company. "Patience is a virtue", yan ang laging sinasabi ng kaibigan kong auditor sakin kaya kahit mahirap, di muna ako nag-apply at naghanap ng ibang work.
Sa paglipas ng 2 buwan, tulad ng baterya, tila ba naubos ng lahat ng enerhiya ko para gumawa at magtrabaho, maging ang finance manager namin nagresign na.. Naguguluhan ako kung maghahanap na ba ako ng trabaho o hindi.. Nanalangin ako sa PANGINOON na ipakita Niya sakin ang kanyang kalooban. Nag-decide akong magsend ng resume sa online job application, marami naman ang tumawag sakin para sa interview, pero sa di malamang dahilan ay para bang may pumipigil sakin na wag pumunta sa mga interview. Pero nang minsan na may nagtxt skin para sa interview, di ko alam kung bakit sa dami ng ngtxt eh ito ang gusto kong puntahan. Kaya ngleave ako sa work para umatend ng interview at exam.. Nanalangin muli ako sa PANGINOON, hiningi muli sa Kanya na ipakita sakin ang Kanyang kalooban. Natapos ang lahat ng exam at interview, sabi skin ng huling ng-interview tatawagan na lng daw ako kung tanggap. Medyo nakakalungkot pero ganon talaga. Pag-uwi ko ng bahay, laging tuwa ko na tinxt ako ng inapplyan ko.. Bumalik daw ako tomorrow, kaso di binanggit kung para saan. Napa-isip ako.. Bakit kaya kaya pnababalik? Sa araw mismo na bumalik ako, nalaman ko ang kasagutan ng PANGINOON sa aking dalangin. Natanggap ako sa trabaho.. Tuwang tuwa ako, at nagpasalamat sa PANGINOON, ang lahat ng hirap na tiniis ko ay sadyang niloob ng Diyos na aking pagdaanan upang ako ay matuto at ilagay ako sa isang bagong trabaho na marumong nako dahil tinuruan ako ng PANGINOON. Tunay ngang "there is always a reason for eveything", may plano ang Diyos at iyon ay para sa aking ikabubuti. Di ko kailangang magreklamo bagkus ay magpasalamat dahil ang trabaho ay biyaya na galing sa PANGINOON, ang dapat ko lang gawin ay MAGTIWALA at hayaang SIYA gumawa at kumilos sa aking buhay. MARAMING SALAMAT OH YAHWEH.. SA IYO LAMANG ANG LAHAT NG KALUWALHATIAN.
No comments:
Post a Comment