Wednesday, October 7, 2015


MULING NAGBABALIK... MULING MAGSUSULAT...

Ang tagal na din ng huling blog entry ko dito. It takes Three long years bago ako muling nakapag post dito. Tatlong taon ang lumipas, tatlong taon na kung ano anong mga pangyayari ang siya ring nagbago sa akin, tatlong taon na nangyari ang mga hindi inaasahan, tatlong taon na ginawa ang mga desisyon ansiyang humubog sa kung ano ako ngayon. Maraming nagbago, pero sa lahat ng ito ay naroon ang pasasalamat sa Panginoon na siyang nagturo sa akin ng maraming bagay sa lumipas na mga taon. Marahil, isa sa mga dahilan kung bakit matagal ding hindi ako nakapag post dito ay dahil sa ka-busy-han sa mundo o marahil ay dahil kinailangan kong munang maranasan at matutunan ang maraming bagay bago makapagsulat muli sa blog kong ito. Nakakamiss ang pagsusulat, nakakamiss ang maraming bagay ngunit sa lahat ng ito, ako ngayon ay ako na siyang hinubog, binago at tinuruan ng Panginoon. Ako po si Dennis Ross Roda, isang musikero, mang-aawit??? (para sa Panginoon nagagawa ko), isang office worker (auditor), isang "Kristiyano" (makasalang tinubos at pinatawag ng Panginoon, sumampalataya sa Kanya), tagasunod ng Panginoong Jesus, Isang Lingkod ng Diyos (tunay na napakasarap maglingkod sa Kanya at ito'y dahil lamang sa Kanyang biyaya), at kung mayroon mang bago sa akin, ako ngayon ay isang na ring may-asawa, at ngayo'y  isang ama.





SOMEDAY HAS COME

I posted this three years ago and that "someday that I wish I have" is finally given by YHWH. Thank you LORD for a wonderful gift and blessing.

I finally have a daughter and I am very thankful for the opportunity to be a father to a beautiful daughter. Kate Ysabelle Z. Roda








ME AND MY WIFE (MELANIE ZOILO-RODA)