Friday, July 15, 2011

Its hurt when you know the truth but its better to know it because...

Sa buhay natin, maraming bagay patungkol sa ating sarili (mga damdamin, nararamdaman, pag-uugali o karakter) ang siguradong maaapektuhan kung ating malalaman ang katotohanan. Madalas at sa maraming pagkakataon ay masasaktan ka kapag nalaman mo ang katotohanan sa kadahilanang mismo ang sarili mo ang involved sa iyong nalaman. Minsan parang mas okay na wala kang alam, at least may masasaktan o nasasaktan man ay inosente ka. Pero sabi nga sa batas, "innocense is not an excuse" kaya sa ayaw natin at sa hindi ay kelangan nating malaman at alamin ang katotohanan. 


Minsan, parang ang hirap magpakatotoo dahil kahit wala ka namang intensyon na may masaktan ay mayroon at mayrong masasaktan. Pero kailangan nating harapin, tanggapin at kilalanin na ito ay dapat malaman lalo kung ito ang paraan upang makalaya tayo sa mga damdaming lagi na lang umaalipin at nagpapahirap sa atin.

Sabi nga sa bible sa book ng john, "the truth will set you free". Maraming bagay sa buhay natin ang nangyari, nangyayari at mangyayari at tila ba isang bala ng baril na tatama sa atin at magdudulot ng sakit sa atin. Ang katotohanan ay ang mangyari ang mga bagay ayon sa layunin ng Diyos, at hindi ayon sa sarili nating kagustuhan.

Ang katotohanan at dapat magbigay ng direksyon sa atin, ang makita natin kung ano ba ang dapat nating gawin kung ang mga bagay ay hindi pabor sa ating mga pangarap o mithiin sa buhay. Ang katotohanan ang siyang dapat maghari sa ating buhay at hindi ang damdamin sa madalas nagiging dahilan para tayo ay madaya, makagawa ng maling aksyon at makapagsalita ng mga bagay na hindi napag-iisipan. Ang katotohanan ang siyang liwanag na dapat ay makita natin upang makita natin ng maliwanag na sa lahat ng bagay, masakit man o pangit ang isang bagay ay maiintindihan mo na may mabuti at magandang layunin ang Diyos kung bakit nangyari ang isang bagay o pangyayari.

Maging sa aking buhay, maraming bagay ang hanggang ngayon ay walang kasiguraduhan, walang tiyak pang kahihinatnan dahil kailangang maghintay at alamin kung ang mga bagay ba ay ayon sa kalooban ng PANGINOON. Pero isang bagay ang pinanghahawakan ko, "things might become uncertain, all the plans and things that i like may not be visible possible as of now. Even the events that may happen for tomorrow may not be favorable for me but one things is sure by which i am holding on. I'm holding on with God's promises that in all things, HE is working for the betterment and good of HIS children. YAHWEH has a better, bigger and brighter plan for my life. I trust in HIM with all my heart and all my soul. My life is abandoned to HIM. HIS plan, HIS will and HIS wants may come and happen in my life. To YAHWEH be all the glory, honor, praise and worship.