Time check, its 1:06am of Nov. 18, 2010.. Still, i am alert, alive, awake , enthusiastic. Hindi naman ako nagpupuyat ng walang kadahilanan.. Ako lang naman ay nagtatrabaho pa sa ganitong oras, kahit ayokong mag-overtime ay wala akong magagawa dahil no choice, ako ang inatasan na mag-overtime ngaun ng aking boss. Sa gabing ito, imbis na magpatulog-tulog ay naisipan ko na lang magsulat sa blog kong ito habang nag-wiwitness, nag-oobserve at nag-oaudit ng disposal ng scraps at delivery ng iba't ibang materyales galing ng china. Bukas pa ko makakatulog ng umaga, at dahil overnight ako ngayon ay hindi na ko papasok para bukas. Sa aking pag-iisip ng maisusulat, isang bagay ay aking napagtanto, ano nga ba ang mga bagay na mapapala ko sa pag-overtime ng overnight at ang negatibong bagay na dala nito.. Hmmm.. Lets see.
Mga pangit na pakinabang na maidudulot sa akin pag nag-oovernigt ot:
1. Mapupuyat
2. At dahil puyat, lalaki ang eyebag..
3. May posibilidad na magkasakit dahil sa walang tulog,
4. Mapapagod,
5. At dahil sa paglaki ng eyebag, bawas pogi points (para naman akong may pinopormahan, eh wala naman)
6. Nawawalan ako time para sa devotion (ito ang aking panahon ng pag-aaral, pakikiniig at pagbubulay-bulay ng sarili ni YAHWEH, at ito ay isang napakahalagang bahagi ng aking buhay Kristiyano na naaagaw ng aking pag-oovernight)
7. Kung nawawala ang panahon ko sa devotion, nawawala rin ang panahon sa personal na panalangin.
8. Sakit ng ulo dulot ng walang tulog, di makatulog pagdating ng umaga dahil sa ingay ng mga bata at kapitbahay, at dahil sa tunog ng celphone na mula sa txt na galing sa office na nagtatanong ng iba't-ibang bagay patungkol sa trabaho.
9. Hindi ako makakapasok bukas, kapag absent ako, bawas ang sweldo ko (pero kung may leave ako, ok lang.)
10. Mas malaking tax deduction sa salary.
11. Marami pang iba.
Mga benepisyo na aking makukuha sa pagovernight overtime:
1. Magkakaron ako ng overtime pay.
2. May overtime premium at night differential pay.
3. Magdamag na kumakain (kaso pag walang pera, magdamag lang akong tutunganga)
4. Meron pa ba??? Hmmm..
Base sa mga naisulat ko, kung cost-benefit analysis ang gagamitin ko, halos mas mabuti na hindi na lang ako magovernight overtime. Halos parang pinapagod ko lamang ang sarili ko para sa wala. Pero sa lahat ng ito, isang bagay ang nalalaman ko.. May dahilan ang lahat, kung ako man ang madalas maassign para mag-overnight overtime, marahil nais ni YAHWEH na ako ay matuto na iprioritize ang mga bagay sa aking buhay. Hindi habang buhay lagi akong mag-oovertime, darating din ang panahon at si YAHWEH ang magbibigay sa akin ng kapahingahan na aking ninanais. Ang kapayapaan ay makakamtan ko, hindi sa anumang materyal na bagay, o kung kaninoman kundi kay YAHWEH lamang matatagpuan. Nawa'y ang kalakasan ko, ay SA'YO lamang manggaling, ang lahat ng dahilan ko upang mabuhay ay IKAW lamang at wala nang iba oh YAHWEH. Sa IYO ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagsamba.
Sa pagtatapos ng blog entry kong ito, napagtanto kong umaga na pala.. Ang bilis nga naman ng oras. So, pano til next time. Sana naman kung ikaw na nagbabasa nito ay hindi maboring. May YAHWEH bless you all.
may sasabihin dapat ako pero wag na lang pala..- juvy
ReplyDelete