Wednesday, November 17, 2010

PARKING AREA

Habang nagbabantay ng disposal ng mga scrap, ako ay narito at gising na gising pa rin. Nang dahil sa 3 basong kape at 1 bote ng cobra ay tila ba napakaaktibo ng aking isipan at katawan. Habang naghihintay na matapos tong inoobserve at winiwitness kong disposal ng scrap, naisip kong sumulat ng isang walang kwentang bagay sa lugar kung nasan ako ngayon, walang iba kundi ang parking area. Ano bang silbi at mayroong parking area?
Sa bawat lugar, bawat establishment ay may parking area. Dito pinaparada, pinarada at ipaparada ang iba't-ibang klaseng sasakyan na may iba't ibang layunin kung bakit pumaparada sa parking area. Ang buhay ng tao ay parang isang parking area din na may iba't ibang tao ang dumarating na tumitigil ng minsan sandali lamang, may nagtatagal at mayroon din namang bumabalik lagi.
May iba't ibang klase ng sasakyan na pumaparada sa parking area, ito ay:
1. Private Vehicle - pangkaraniwan na ang mga ganitong sasakyan ay pumaparada o nagpapark ng kotse upang iwan ang kanilang sasakyan kung saan ito ay ligtas at mapapangalagaan. Darating ang oras na kailangan munang umalis ng may-ari ng kotse kaya ito ay aalis sa parking area ngunit sa pagbabalik nito, sa dating parking area pa rin ito babalik dahik may confidence at pagtitiwala na siya sa lugar na ito. Sa buhay ng tao, marami tayong makikilala na darating at magpapark ng kanilang buhay, ng kanilang sikreto, pangarap, pagtitiwala at respeto. Ngunit magagawa lamang ito ng taong may tiwala sa atin, na mapapangalagaan natin ang mga bagay na ipa-"park" o ilalagak niya sa atin, maliban sa anumang bagay ay ang pagkakaibigan at pagmamahal. At dumating man ang panahon na kailanganin nila ang umalis, ay hindi niya tayo malilimutan bagkus may kasabikan itong babalik sa atin dahil sa pagtitiwala.
2. Delivery Vehicle. Sa bawat parking room, pangkaraniwan din nating makikita ang mga delivery vehicle na dala ang iba't ibang na kailangan ng tao, negosyo o anumang kumpanya. Sa buhay ng tao, mga rin ang darating sa ating buhay na magdedeliver ng iba't ibang bagay na higit sa materyal tulad ng pagkakaibigan, kagalakan, kasiyahan, kapayapaan, kaaliwan, kalakasan at iba pa na magbibigay kaganapan ng buhay.
3. Mga sasakyang makikisilong kapag umuulan. Kapag masama ang panahon, maraming may-ari ng sasakyan ang nagpapasyang magpark nito sa mga parking area na ito ay magkakaron ng kanlungan at kaligtasan sa anumang kapahamakan. Sa buhay, pag dumating ang bagyo o mga problema at pagsubok, tayo ay pumupunta sa mga taong malalapitan at makakatulong sa atin upang maibhan ang hirap at maging kanlungan natin at madalas ito ay ang mga kaibigan o minamahal natin sa buhay.
4. Marami pang uri ng sasakyan.

Sa buhay ng tao, minsan maliban sa ito ay parang parking area, ang katotohanan ay ito rin mismo ang ating sasakyan. Sasakyan kung saan sa bawat panahon at sitwasyon ng buhay ipina-"park" din natin ito. Sa lugar na ligtas, payapa at mayroon ng kaligtasan.
Ang tanong, saan nakapark ngayon ang buhay mo? Sa pag-aaral? Trabaho? Kayaman? O mga malalapi t na tao sa atin.
Kung nais natin ipark ang ating buhay, sana ito ay sa ligtas, may kasiguran. Itong parking room na ito ay matatagpuan lamang sa langit sa Piling ni YAHWEH. Kung ang buhay natin ay " nakapark" o nakalagay kay Cristo, ang buhay ay may
kasiguraduhan at kapayapaan at higit sa lahat ay kaligtasan.
Ako, ang aking kotse (buhay) ay ligtas at may kapayapaan sa aking parking lot na nasa langit sa piling ng PANGINOONG HESUS. Hindi dahil sa aking sariling gawa kundi dahil sa kalooban ng AMA, sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay ng PANGINOONG HESUS sa krus ng kalbaryo ay libre kong nai-park ang aking kotse (buhay) sa parking area ng walang hanggang buhay sa langit. Ikaw, saan mo gustong i-park ang kotse mo???

To YAHWEH be all the glory, honor, worship and praise.

No comments:

Post a Comment