CHAPTER 1: "LOVESTRUCK TO LOVE-STUCK"
"Once upon a time, may isang lalaki at babae ang na-"lovestruck" sa bawat isa sa una pa lamang nilang pagkikita. Sadyang napakalaki ng kanilang pagmamahal (sa panahon na iyon) sa bawat isa kaya kahit mga bata pa lamang sila (wala pa sa tamang edad para makipagrelasyon) ay naging magkarelasyon sila bilang boyfriend at girlfriend at di nagtagal sila ay kinasal, nagkaanak at namuhay bilang isang pamilya. Lumipas ang halos 10 taon ng kanilang relasyon at tila bigla na lamang nag-iba ang damdamin ng lalaki sa babae na naging dahilan para ito ay magkaroon ng “pinagbabawal na relasyon” sa ibang babae. Nawala na ang lahat ng nararamdaman ng lalaki sa kanyang asawa ngunit kahit gusto nitong makipaghiwalay ay hindi niya magawa dahil sa panghihinayang sa maraming taon na sila ay magkasama at pagkatakot sa mga sasabihin ng iba kung bigla na lamang niya itong hihiwalayan. Natatakot din siya sa maaring maging epekto nito sa kanilang mga anak at sa pamilyang minsan niyang pinangarap. Ang dati ay "lovestruck" sa kanyang girlfriend (na naging asawa niya), ngayon ay na-"love-stuck" na at hindi makaalis sa relasyong wala na rin namang patutunguhan." Kahit gusto niyang humiwalay, hindi niya magawa kaya mas pinipili na lamang niya ang makipagrelasyon sa ibang babae. In the end, tuluyang nasira ang pamilyang kanilang binuo na naging dahilan ng matinding sakit at pighati sa bawat miyembro ng pamilya.”
Isa lamang ito sa mga kwento ng pag-ibig na sa toong buhay ay nangyayari. Mga kwento ng pag-ibig na kung anong saya at lawak ng nararamdaman sa bawat isa sa simula ay tila ba nawawala at nauubos sa bawat panahon na lumilipas. Mga kwento ng pag-ibig na hindi natutong maghintay ng tamang oras, tamang tao at tamang pagkakataon upang pumasok sa isang relasyon. Mga relasyong nagsimula sa "lovestruck" at ngayon ay na "love-stuck" na, as in stuck sa isang relasyon wala namang pag-ibig na sangkap, kawalan ng nararamdaman at pagkalinga sa kanyang asawa. Marami din naming ang mga “singles na love-stuck” na akala nila lahat ng tao lolokohin lang sila kaya kailanman man ay puros pagdududa at takot na magmahal. Marami sa mga taong "love-stuck" ay mga nagmamadali at wala sa sapat na kahandaan sa pagpasok sa isang relasyon o kung hindi naman sarado ang puso na tumanggap ng pagmamahal sa iba na nagiging dahilan ng isang napakapangit na ending ng lovestory. Karamihan sa mga istoryang ito, nagtatapos sa sad endings dahil sa ito ay hindi naman kalooban ng PANGINOON.
Speaking of a Love-Story, kung mayroon mang pag-ibig na kailanman ay hindi mauuwi sa “Love-stuck”, iyon ay walang iba kundi ang Pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos na umibig sa atin kahit na hindi tayo umiibig at sumusunod sa kanya. Ang Diyos na kailanman ay hindi napilitan kundi buong pusong nagmahal sa atin maging sino ka man, maging ano pa man ang kalagayan mo sa buhay, maganda ka man o pangit (physically, emotionally, attitude and character), kaibig-ibig ka man o hindi at maging mabuti ka man o masama. Minahal tayo ng Diyos ng walang katulad, kaya kung tayo man ay mayroon ng love-story, magkakaroon pa lamang o naghahanap pa lamang, sana , siguraduhin mo munang “Lovestruck” ka sa Panginoon. Sana ang pundasyon ng iyong pag-ibig ay hindi ang pag-ibig na tinatangkilik at itinuturo ng mundong ito kundi ang wagas at tunay ng Pag-ibig na matatagpuan lamang sa Panginoong Hesus.
LOVE-STUCK??? ANO NGA BA YUN???
Ang sitwasyon na iyong nabasa ay base sa tunay na pangyayari, kaya bilang ng “christian singles” dapat maging handa at maingat dahil maaring mangyari sa atin ang ganito kung tayo ay magpapadalos-dalos at hindi kikilos ng ayon sa Kalooban ng Diyos.
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng "love-stuck"? Para makasigurado ay naghanap ako sa "google.com" upang malaman kung ano nga bang kahulugan nito. Ayon sa aking research, "Love-stuck" ay maaaring i-classify sa dalawang category: una, "Stuck in Love" at pangalawa, "Stock out of Love".
“STUCK IN LOVE”
"When you stay in relationships that don't develop, grow and become what you hope they would be, you may be “Stuck in Love.”
Na-i-try mo na bang magsuot ng sapatos gustong-gusto mo pero hindi kasya o maliit sa paa mo? Kapag magsusuot ka ng sapatos na hindi naman talaga kasya sayo, ito ang maaring mangyari sa iyo: (1) magsugat ang paa mo; (2) sumakit ang paa mo; (3) madapa ka dahil hindi komportable sa iyo ang sapatos mo at lastly; (4) Maiinis at baka itapon mo banding huli ang sapatos na yan. Parang ganito ang magiging resulta kapag ikaw ay nasa sitwasyon na ikaw ay “Stuck in Love”.
“Stuck in Love”, kapag ganito ang sitwasyon ng iyong relasyon ay sadyang napakahirap dahil kahit anong gawin mo ay walang pinatutunguhan ang pagmamahal o ang iyong nararamdaman sa isang tao. Ang ilan sa mga signs kung ikaw ay “Stuck in Love” ay ang mga sumusunod:
1. “OBSESSIVE SYNDROME” – trying to figure him or her out. As in, gustong-gusto mong intindihin at malaman ang maraming bagay tungkol sa iyong partner pero ano mang gawin mo ay hindi mo siya maintindihan o vice-versa, hindi ka niya maintindihan or in-short “hindi kayo magka-intindihan”. Dahil sa “obsession” ay gagawin mo lahat para lamang malaman ang lahat tungkol sa partner mo. Parang siya na lamang ang mundo mo at pag nawala siya ay guguho na at matatapos ang lahat dito sa sangkalupaan.
2. “I CAN DO IT NO MATTER WHAT” ATTITUDE – working “extremely hard” to work it all. Ginagawa mo ang lahat para lamang mag “work-out” o maging maayos ang relasyon mo kahit ang katotohanan ay napakahirap at inposible na ito ay maging ok.
3. “EMOTIONAL ROLLER COASTER” – Paiba-iba ang “emotions” towards sa iyong partner na kumbaga sa roller coaster, minsan nasa taas (napakasaya mo), minsan naman nasa baba (napakalungkot mo0 at minsan ay nsa gitna lamang (hindi mo alam kung masaya ka ba o hindi). Maging ang iyong “hopes” o pag-asa na magiging maayos ang relasyon niyo ay parang roller coaster din, minsan nasa taas, sa baba at sa gitna.
4. “A LOT OF EXCUSES AND COMPROMISES” – Kahit alam mo ng mali at hindi pwede, para lamang maging ok ang lahat ay makikipagcompromise ka. Kahit mayroon ng nakaplano ay hindi mo na lang susundin maayos lamang ang relationship o kung hindi naman ay iibahin mo na lamang ang usapan para hindi na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.
5. “WISH KO LANG” SYNDROME – Iniisip mo na maayos din ang lahat kahit wala naman talagang kaayusan ang relationship na mayroon ka. Halos pinapangarap mo na lang na sana maging maayos ang relasyon niyo baling araw.
6. “UNCOMFORTABLE & UNACCEPTED” - Feeling mo kahit anong gawin mo ay hindi ka na-aapreciate ng iyong kapartner at kailanman ay tila hindi kayo “fitted” sa isa’t-isa. Lahat na lang ng nakikita sa’yo ay pawing kamalian, tulad na lang sa awitin na “hari ng sablay”. Pero pilit mo paring ginagawan ng paraan na maging maayos ang inyong relationship.
HOW TO GET RID OF BEING “STUCK IN LOVE”?
Ang katotohanan, ang pundasyon ng isang relasyon ay nakaugat sa ating relasyon sa Diyos. Ang lahat ng tao ay mayroong isang “broken” o “sirang” relasyon sa Diyos[1] na dapat maayos upang maging maayos din ang ating relasyon sa ating kapwa. Kaya kahit anong gawin natin, hindi natin kayang iwork-out ang isang relationship kung hindi maayos ang ating relasyon sa Diyos.
Ang Pagmamahal ng Diyos kailanman ay hindi nagbabago at ito ay laging nakalaan para sa atin. Kaya kung paanong ang Pag-ibig ng Diyos ay hindi nagbabago ay dapat iyon din ang makita sa atin[2].
Alam mo ba kung gano tayo kamahal ng Diyos, Minahal tayo ng Diyos ng higit sa inaakala at iniisip natin. Kailanman hindi siya naging “obsess” sa atin dahil mula pa sa simula ng buhay natin ay kilalang-kilala na tayo ng Diyos bagkus ay sadyang napakalalim at wagas ang pagmamahal ng Diyos sa atin na Siya mismo ang umisip at gumawa ng paraan upang maiayos an gating relasyon sa Kanya. At dahil kilala Niya tayo, nais Niya rin na makilala natin Siya. Nais ng Diyos na malaman natin ang dakila at wagas na pag-ibig Niya kaya ibinigay Niya ang kanyang Nag-iisang anak para sa atin, walang iba kundi ang Panginoong Hesus[3]. Hindi
Alam ng Panginoon na hindi kailanman maayos at muling maibabalik ang maayos na relasyon ng tao sa Diyos sa sarili nating kaparaan. Alam ng Panginoon na upang maibalik tayo sa kanyang piling ay nararapat na may magbayad ng ating mga kasalanan. Kaya, dahil sa pag-ibig Niya sa atin, siya mismo ang tumubos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus ng kalbaryo[4].
Kung mayroong pag-ibig na handang tanggapin ang kahit sino ka man, iyon ay walang iba kung ang Pag-ibig ng Diyos.
So how to get rid of being “stuck in Love”, make sure that your love’s foundation is rooted in the “Love of God”. Have a healthy and right relationship with God and surely you will see, magiging maayos ang lahat and you will see the bigger picture of God’s plan sa iyong “Love story”.
“STUCK OUT OF LOVE”
Naranasan mo na bang kumain sa isang restaurant, tapos habang kumakain ka ay sumakit ang iyong diyan at dahil doon ay hindi mo na ginustong kumain sa kainan na iyon. Ang resulta, sa bawat branch na makikita mo na kapangalan ng restaurant na iyon, ang tingin mo ay sasakit lamang ang tiyan mo kaya hindi ka na kakain doon. Minsan naman, dahil sa kakain mo sa particular na restaurant ng paulit-ulit ay tila ba nagsasawa ka na at nawala na ang gana mo rito at ayaw mo ng kumain doon. Ganito din ang sitwasyon kapag ang isang “ Chirstian Single” o “Wish to be Single” ay “Stock out of Love”.
“Stuck out of Love” means that you have erected barriers against being open to partnership, since intimate relationships seem too dangerous or difficult. When a person is “Stuck out of Love,” he or she sets up artificial barriers against potential partners and risk.
Hindi naman sinasabi na masamang maging “single” dahil ang katotohanan ay marami ang tinawag ng Panginoon na maging single (celibacy). Ang punto lamang, marami ang nagiging single hindi dahil tinawag sila para dito kundi dahil sa kanilang takot na magmahal at mahalin.
“Stuck out of Love”, kapag feeling mo lahat na lamang ng tao ay manloloko, sasaktan ka lamang, gagamitin ka lamang at walang maidudulot na mabuti sa’yo kaya “never” o natatakot na pumasok o mag-enter sa isang relationship, signs yan na baka ikaw ay nasa ganitong sitwasyon ng iyong buhay pag-ibig. Madalas maririnig natin ang mga salitang “woman-hater” o “man-hater”, ang mga ito ay isa sa mga taong “Stuck out of Love”. Sa mga wish to single naman, Kung ang “stuck in love” ay nagmamahal kahit tila wala ng patutunguhan, ang “stuck out of love” naman ay nasa isang estado na halos wala ng pagmamahal ngunit hindi naman makaalis o makalaya. Pangkaraniwan sa mga nasa ganitong sitwasyon ay yaong mga maagang nag-asawa (mga di makapag-pigil at “atat” na mag-asawa) at mga “in a relationship” ngunit “it’s complicated”. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga signs kapag ikaw ay “stuck out of love”:
1. “NO ONE IS QUALIFIED” ATTITUDE – Sa mga single, kapag feeling mo walang sinuman ang qualified para maging “future partner” mo at tila ba ang tingin mo lahat ay pawang manloloko lamang, it’s one of the signs na ikaw ay “stuck out of love”.
Kung ikaw naman ay “wish to be single”, ito ang sitwasyon na feeling mo ay walang-wala sa qualifications mo ang ugali at attitude ng partner mo kaya nawawala on nauubos unti-unti ang pagmamahal mo na para bang kandila.
2. “MISSION IMPOSSIBLE” SYNDROME – Kapag ikaw ay single at feeling mo “Mission Impossible” na makatagpo ka ng taong magmamahal sa iyo o ng taong sasapat sa mga qualifications na gusto mo, you might be “Stuck out of Love”
Kung "wish to be single" ka, kung feeling mo “mission impossible” na maayos ang relationship mo sa iyong partner, you might be “Stuck out of Love”.
3. “I AM NOT LOVABLE” THINKING – Kapag single ka at tingin mo walang magmamahal sa iyo dahil “tingin mo” ay “pangit” ka, “maitim” ka, “maliit” ka at sa marami pang kadahilanan na nakatiningin ka sa iyong mga “physical imperfections”.
4. “STATISTICALLY, IT’S IMPOSSIBLE” DRAMA – Kapag may pagka-“mathemacians” ka na sa kakacompute mo ng ratio ng matitinong tao na maaring maging partner mo tinitignan mo na napaka-“rare” and “extinct” ang mga ito kaya iniisip mo na “it’s hopeless”.
HOW TO GET RID OF BEING “STUCK OUT OF LOVE”?
Alam mo ba?, kung mayroong pag-ibig o relasyon na dapat maranasan, ito ay walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos. Ang katotohanan, hindi tayo qualified sa pag-ibig ng Diyos, Imposible na tayo ay maging karapat-dapat, Hindi tayo kaibig-ibig at kung bibilangin ang ating mga pagkakasala ay sadyang hindi tayo makakaabot sa requirements upang makasama at maranasan ang Pag-ibig ng Diyos. Magpasalamat tayo dahil naging possible na maranasan natin ang dakila at wagas ng pag-ibig ng Diyos hindi dahil sa ating mga ginawa kundi dahil sa ginawa ng Panginoon sa Krus ng Kalbaryo. Ang dapat mo lamang gawin ay sumampalataya ka at tanggapin si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay, ikaw ay mag-sisi sa iyong mga kasalanan at mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos. Ang pagkakilala sa tunay na Pag-ibig na kay Kristo lamang matatagpuan ang mag-le-lead sa atin upang makita natin ang solusyon upang makaalis sa pagiging “Stuck out of Love”.
DOMINATION OF FEARS
Kapag ikaw ay either “Stuck in Love” o “Stuck out of Love” (in short love-stuck), isa lamang ang ibig sabihin: “fear dominates your decisions about partnerships”. Ang mga takot na ito ay maari nating icategorize sa mga sumusunod:
1. fears of being alone (Loneliness)
2. fears of being disappointed (Disappointment)
3. fears of being controlled (Manipulation)
4. fears of losing yourself (Identification)
Sa lahat ng ito, isang salita lamang ang mag-coconclude dito, “Fear” o “Takot” ang siyang dapat i-“deal” at alisin upang masolusyunan ang problema. Kung mayroon mang solusyon, sa mga susunod na kabanata ay titignan natin kung ano ang mga solusyon na ito. Titignan natin ang solusyon at katotohanan hindi base sa ating kaalaman o karunungan. Hindi rin batay sa karunungan ng iba kundi hahanapin natin ang sagot mula sa katotohanan na tanging sa Panginoon Hesus lamang matatagpuan. Sa kanyang salita na nakasulat sa bibilia, ang lahat ay may kasagutan.
No comments:
Post a Comment