Wednesday, August 3, 2011

It's COMPLICATED!!!

"It's Complicated!!"

Madalas makikita ang salitang nasa taas sa mga social network sites lalong-lalo sa friendster at facebook. Isang phrase na tumutukoy sa relational status ng isang tao na miyembre ng isang social networking site na ibig sabihin ay "its difficult". Kapag ang relationship status ng isang tao ay "difficult", isa lamang ang ibig sabihin: hindi maganda, nagkakalabuan, may di pagkakasunduan o di pagkakaintindihan ang relasyon ng isang tao sa kanyang partner (e.g. bf/gf o asawa). Sa ganitong mga pagkakataon na ang mga bagay-bagay ay "complicated" o "difficult", may mga requirements na dapat pagkasunduan upang ang "complication" ay maibalik "into a proper order" o "status". Ang mag-come-up sa mga bagay na mapagkakasunduaan ay hindi ganon kadali dahil minsan para magawa yun ay kailangang isantabi ang "pride and selfishness" at magkaroon ng pusong mahinahon na handang umintindi at makinig. Maaring sabihin ng ibang single (except ung mga piling single at wish to be single) na mas okay na rin ang maging "single" dahil kapag "in a relationship" at "married" status mo ay maaaring maglead din ito sa "its complicated" ngunit ang katotohanan, ang buhay ay sadyang "complicated" dahil tayo ay isang "complex" na tao na bumubuo sa "complex system" na kinabibilangan ng napakaraming tao. Isang sistema kung saan ang lahat ay "complex" at may iba't-ibang katangian, pag-uugali, kakayahan, kalakasan at kagustuhan. Dahil sa pagkakaiba-iba, hindi madaling maging maayos ang lahat lalo na't kung walang pagpapakumbaba at pagkakaintindihan. Tunay nga, na "it's complicated".


Kung may isang relationship status na maidadagdag sa profile natin sa facebook na marahil "it's complicated", yun ang ang estado ng ating relasyon sa Diyos. How is your relationship to God? Marahil hindi lamang "it's complicated" ang mailalagay ng iba kundi "nothing at all". Kung may isang katotohanan na dapat nating tanggapin, yun ay ang katotohanan na makikita natin sa bibliya na sinasabi, "for all have sinned and fall short of the glory of God" (romans 3:23). Lahat ng tao nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian (pamantayan) ng Diyos, kaya ang resulta: lahat tayo nasira at nawalan ng relasyon sa Diyos (Spiritual Death). Kaya kung tatanungin ka kung ano ang relationship status mo sa PANGINOON, malamang "it's very complicated" dahil sa ang katotohanan walang sinuman ang humahanap sa Diyos (Romans 3:11) at walang takot sa Diyos (Romans 3:18). Ito ang tunay na kalagayan nating lahat, kahit anupaman ang gawin natin ay wala at hindi ito sapat upang tayo ay makapanumbalik sa PANGINOON. Halos lahat tayo ay walang pag-asa na kahit anupamang pagsisikap natin ay hindi ito sapat dahil lahat tayo ay patutungo sa kaparusahan at kamatayan tulad ng sinasabi sa Roma 6:23, "for the wages of sin is death".


Sa kabila ng kawalan natin ng pag-asa sa ating sarili, isang "mabuting balita" ang dapat nating ipagpasalamat, mayroon tayong "pag-asa". Pag-asa na ang gumawa ay hindi tayo kundi mismo ang Diyos, sabi sa Romans 6:23, "For the wages of sin is death, but the free gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord". Ano nga bang "Good News"? Ang sabi, "the free gift of God", ibig sabihin may regalo palang inihanda ang Diyos sa atin, regalo na kahit hindi tayo karapat-dapat ay ibinigay Niya (Biyaya o Grace). Dahil ito ay "free" o libre, hindi na natin dapat pang bayaran ito kundi nararapat na lamang nating tanggapin. Ano nga ba ang regalong ito? Ito ay ang "buhay na walang hanggan" na sa Panginoong Hesus lamang natin matatagpuan. Naging posible ang lahat na maibalik sa dati ang ating relasyon sa Diyos ng dahil sa pag-aalay ng buhay ng Panginoon bilang pantubos sa atin.


Ang tanong paano natin matatanggap ang regalong ito? Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya (John 3:16). Kung tunay mong pagsisisihan aang iyong mga kasalanan, at tatanggapin ang Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya na Siya ay namatay para sa iyong kasalanan, Siya ang iyon Panginoon at Tagapagligtas ay iyong matatanggap at regalong ito mula sa Diyos.


Tunay na wala tayong kakayahan na ayusin ang ating relasyon sa Diyos kaya "it's complicated". Pero ginawa na ng Panginoong Hesus ang paraan upang mailagay mo sa status mo na "in a relationship", hindi sa sinumang tao at hindi lang "in a relationship", hindi rin "single" kundi "in a healthy and right relationship with God" because of what He did at the cross.


"God makes it possible for us to reconcile and restore our relationship to Him". Ang tanong na lamang, nais mo bang palitan ang "it's complicated" at palitan ng "in a healthy and right relationship with God"? Sana wag mo lang naisin kundi piliin at gawin mo.


Sa'Yo oh YAHWEH ang lahat ng kapurihan at kaluwalhatian.

No comments:

Post a Comment