Crazy!?? Sa tagalog ang ibig sabihin ay baliw. Ano nga bang ibig sabihin ng "crazy" o "baliw"? Madalas ginagamit to para idescribed o itawag sa mga taong wala sa tamang katinuan o pag-iisip. Karamihan ng mga ganitong tao makikita mo sa lugar na kung tawagin ay "mental hospital". Sa panahon ngayon, maraming "crazy" o "baliw" na maituturing na naglipana at halos nasa paligid lamang. Ang tanong, isa ka na kaya sa mga iyon?
Marami sa ngayon, tila ba maisasama mo na o maika-categorized na "crazy" o "baliw", hindi naman dahil sa "mentally totally out of control" o wala sa tamang pag-iisip kundi dahil minsan ay wala na sa hulog o sa tama ang ginagawa ng iba dahil na nagiging obsess sa isang bagay, tao o gawain. Pangkaraniwan at maraming beses ay naririnig ko sa jeepney, taxi, fx o maging sa barber shop na may pinapatugtog na kanta na ang pamagat ay "crazy in love". Di ko na maalala kung sinong kumanta pero ang punto, karamihan sa atin ay ganito, "crazy in love" o sa tagalog ay baliw sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na nanggaling sa Diyos at ibinigay sa atin. Ito ay ibinigay upang maenjoy natin ang ating buhay ng maayos at naaayong sa "wangis" o tulad ng Diyos na marunong magmahal. Take note, "ang pag-ibig ay ibinigay upang magkaroon ng maayos at tamang direksyon ang ating buhay". Kaya tayo binigyan ng puso ay upang maipadama natin ang pag-ibig sa pamamagitan ng kabutihan, kaawaan, kabaitan at iba pa. Ngunit higit sa lahat, ibinigay ito upang magawa din natin na ibalik ang pag-ibig na ibinigay at ipinamalas ng Panginoon sa atin. Kailanman ay hindi tayo ginawa ng Diyos na may kakarahang magmahal upang maging "crazy" o "baliw" sa pag-ibig. Hindi tamang sabihin na kaya nakakagawa ng mali ang isang tao ay dahil sinunod lamang niya ang kanyang damdamin dahil anumang itawag mo diyan, kahinaan o pagkakamali, ang tawag diyan ay "kasalanan". Hindi tayo nilikha na marunong umibig para lamang gumawa ng kalokohan at kasalanan, kundi ito ay nasa atin upang gawin ang tama at nararapat na naaayon sa kalooban ng PANGINOON hindi dahil napipilitan lamang tayo kundi dahil sa ating pagmamahal sa KANYA. Kaya kung ikaw ay "nawawala sa katinuan dahil sa tinatawag mong pag-ibig o pagtatangi sa isang tao", mas maganda siyasatin mong maigi ang iyong nararamdaman, baka hindi pag-ibig yan dahil ang tunay na pag-ibig ay dapat dalhin ka sa tama at magdulot ng tamang pag-iisip at katinuan, hindi yung tipong kung ano-anong walang kabuluhang bagay ang iniisip natin. Ang tunay na pag-ibig ay hindi dapat magdulot ng kabaliwan sa sarili at hindi rin dapat magdala sa atin sa paggawa ng mali kundi dapat ay magdala ito sa atin ng isipan na gawin ang nararapat.
Marami sa mga kabataan ngayon ay matatawag ding "crazy" o "baliw". Sila yung mga "crazy gamers" o mga kabataan (pati yata matanda) na halos mag-ubos ng 3P's (Panahon, Pera at Pagkakataon). Mga kabataang hahamakin ang lahat, hindi kakain matapos lamang ang nilalaro, hindi papasok makapaglaro lamang ng online games at ang pinakamalupit, magpapakapuyat manalo lamang sa online games. Nakakalungkot na sa simpleng online games, nawawala sa tamang pag-iisip ang ilan kaya matatawag din silang "crazy" o "baliw sa paglalaro".
At ang kinababaliwan ng halos lahat ngayon, "facebook crazy" ka ba. Don't get me wrong, siyempre nagpepeysbuk din naman ako, kaso nga lang, ang sobra at maling paggamit nito na nagdudulot para maging addict ka dito at hindi mo na magawa ang dapat mong gawin ay nagpapakita na hindi mo na nalalaman kung ano ang dapat unahin at mas pahalagahan. At kung ikaw ay kabilang dito, baka isa ka na sa mga "facebook crazy" o magiging palang
Sabi nila lahat ng bagay na sobra masama, at lahat ng bagay na sobra kung nagiging dahilan para mawala tayo sa focus, proper attention, pag- abot goals and objectives sa buhay at sa tamang pag-iisip ay maaaring maging dahilan upang mapasama tayo sa mga "crazy" o "baliw". Ilan lamang ang aking mga nabanggit kung paanong tayo ay nagiging "crazy" o "baliw". Pero sa lahat ng ito, ang katotohanan lahat tayo ay baliw, sabi nga sa bible "we are fools because of we are sinners", ngunit magpasalamat tayo sa PANGINOON dahil we will never be "crazy" or "fool" anymore, dahil mayroon nang namatay at nag-alay ng buhay doon sa krus, walang iba kundi ang PANGINOONG HESUS, upang ang lahat ng tunay na sumpampalataya at tumanggap kay Cristo ay maligtas, matubos sa kasalaman at maging mga wise person not because of what we do but because of what HE did.
Are you crazy? Ako, ayokong maging baliw, sana ikaw din (ikaw na nagbabasa ng blog entry q na to. Salamat ng marami. YAHWEH Bless us all.
No comments:
Post a Comment