Sunday, April 26, 2026

Kamangha-manghang Panginoon

Song and lyrics: Dennis Ross Roda

Lyric update as of April 9, 2026

 


I.

Sa bawat araw na dumaraan

Ang Iyong kabutihan ay naroon

Walang Hanggan ang pag-ibig Mo

Na para sa’kin ay Iyong nilalaan

 

Sa gitna ng kadiliman at katahimikan

Ikaw ang aking ilaw at gabay

Sa panahon ng kahinaan

Ikaw Panginoon ang kalakasan ko

 

Refrain:

Kailanman ay ‘di nagkulang

Laging nariyan

Tapat na nagmamahal

 

Chorus 1:

Kamangha-manghang Panginoon

Ang iyong gawa’y sadyang dakila

Makapangyarihan at Walang hanggang Diyos

Karapat-dapat na papurihan

Lahat Sa’Yo’y iaalay

Ikaw lamang ang Diyos na walang katulad

 

II.

Noon, Ngayon at Magpakailanman

Ang Iyong Katapatan ‘di Nagbabago

Laging Nariyan ang Biyaya Mo

Na para sa’kin ay iyong binibigay  

 

Sa gitna ng kaguluhan at kalituhan

Ikaw ang Kasagutan at Pag-asa

Sa panahon ng kabalisahan

Ikaw Panginoon ang kapayapaan ko

 

Refrain:

Kailanman ay ‘di nagkulang

Laging nariyan

Tapat na nagmamahal

 

Chorus 1:

Kamangha-manghang Panginoon

Ang iyong gawa’y sadyang dakila

Makapangyarihan at Walang hanggang Diyos

Karapat-dapat na papurihan

Lahat Sa’Yo’y iaalay

Ikaw lamang ang Diyos na walang katulad

 

Chorus 2:

Kamangha-manghang Panginoon

Ang Iyong habag ay walang katulad

Mapagbiyaya at puno ng Kabutihan

Karapat-dapat sa kaluwalhatian

Lahat Sa’Yo’y iaalay

Ikaw lamang ang Diyos na walang katulad