CHAPTER 2
FEAR OF BEING ALONE (LONELINESS)
“Bawat tao sa mundo ay mayroong kinakatakutan”. Ang takot ay isang pagkaraniwan na emosyon na ang bawat tao ay nakakranas at isa sa pinakapangkaraniwan na pinagdaraanan ng lahat ay “Fear of Being alone” o “Loneliness”. Marami sa mga tao ang takot na mag-isa, mapabata, kabataan o maging matatanda ay mayroong takot na ganito. Natatandaan ko pa ng ako ay nasa kolehiyo, ang bawat isa sa mga kaibigan at maging kaeskwela ko ay takot na maging mag-isa sa buhay kaya marami sa kanila ay sumubok na makipagrelasyon para matugunan ang nasabing takot. Ang nakaklungkot, ng dahil sa solusyon na akala nila ay makaksatugon sa kanilang takot ay ginawa nila ay ito rin ang nagdulot ng matinding sakit, paghihinayang at mas malaking takot . Ang “Fear of being Alone or Loneliness ay isang pangkaraniwang sakit at problema lalong lalo na sa mga “singles” o “single again”. Marami ang nalalaglag sa kumunoy na kung tawagin ay “pag-ibig” na ng dahil sa maling pagtugon sa takot na mag-isa ay nasa estado ngayon na sila ay “Love-Stuck”. Isang napakahalagang bagay na matugunan ng maayos ang problema tungkol sa takot na mag-isa lalong-lalo na sa mga Kristiyano. Marami sa mga “Christian Singles” ang nalalayo, lumalayo at nalayo ng dahil sa takot na ito na buhay nila ay madalas nilang nararamdaman ngunit dahil hindi ito natugunan na maayos at ng ayon sa katotohanan sa Sailta ng Panginoon ay nagdulot ng matinding sakit sa kanila. Maraming mga “Christian Singles” na di matatawaran ang “passion” as paglilingkod sa Panginoon ngunit sa isang saglit ay bigla na lamang inagaw na “maling pag-ibig” dahil sa mas pinili nila na tugunan ang kanilang “takot na mag-isa” sa pamamagitan na pakikipagrelasyon o pag-aasawa as mga taong hindi naman inilaan at ayon sa Kalooban ng Diyos. Mga kristianong mas pinili ang pag-ibig upang tugunan ang sariling pangangailangan kaysa sa pag-ibig ng Panginoon na higit na makagbibigay ng kasapatan sa buhay natin kung magagawa lamang nating maghintay sa Kanyang kalooban. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng “Fear of Being Alone or Loneliness” o ang takot na maging mag-isa?
Ano nga ba ang “LONELINESS”?
Loneliness is a painful sense of being unwanted, unneeded, uncared for, maybe even unnecessary.
Ang sabi sa pag-aaral, ang tao daw ay may tatlong “basic emotional needs”, ito ay:
2. A need for someone who understands us, who knows how we feel.
3. A desire for somebody who wants us and needs us.
Ang lahat ng tao may pangangailan sa mga bagay na ito, yan ang katotohanan. Kung ang pangangailangan na ito ay hindi mabibigyan na tamang kasagutan na nakaugat sa katotohanan ng Salita ng Panginoon, ito ang magiging dahilan upang ang isang “Christian Single” O “Single Again” ay malayo o tuluyang lumayo sa Panginoon.
Loneliness: “Toothache of the Soul”
May isang unknown writer ang nagsabi, “Loneliness is one of life's most miserable experiences”. Pangkaraniwan man ang karanasan na maging mag-isa, ang bawat panahon na ito ay nangyayari sa atin ay nagpapahag ng isang mensahe.
Madalas kapag nakakaranas tayo ng pag-iisa ay tumatagal lamang ito ng minute o ng oras, o kahit isang araw. Ngunit kung ito ay tumagal na ng lingo, buwan o taon ay nag-sisignal ito na mayroon nang problema.
“Parang sakit lamang ng ngipin ang Loneliness”, Ito ay isang “warning signal” na mayroong problema. Tulad ng isang simpleng sakit ng ngipin, kung hindi ito agad aagapan ay maaaring lumalala ito.
“Loneliness is a Crippling Force”
“Loneliness cripples” o ito na nakakapagpabagsak sa ating personalidad at ng ating buhay.
1. Loneliness cripples us emotionally. Ayon sa pag-aaral, ang pinakamalimit na dahilan kung bakit nagpapakamatay ang isang tao ay dahil sa “Loneliness”. Kapag ang isang tao ay iniisip na mag-isa na siya habang buhay, naiisip nila na wakasan na lamang ang kanilang buhay. Kaya napakahalagang parte ng buhay na maaring bumagsak ay ang ating emosyon kapag tayo ay nakakaranas ng “loneliness”.
2. Loneliness will hurt us physically. Ayon sa pag-aaral, karamihan ng mga taong inaatake ng sakit sa puso ay mga taong malulungkutin, “depressed” at laging nag-iisa (lonely). Ang pagiging mag-isa ay nagdudulot din o nakakaapekto sa physical na aspeto n gating buhay. May mga taong malakas kumain lalo na kung may mga kasama nguniy kapag sila ay nag-iisa ay nagiging pihikan at kaunti kumain na nagdudulot upang humina ang kanilang pangangatawan.
3. Loneliness cripples us spiritually. Ang sabi ng isa sa aming elders sa church, ang isang bisita daw umattend sa church service, kapag walang kumausap, panigurado ay hindi na babalik sa susunod na lingo. At ito ay napatunayan na sa maraming taon sa inglesia. Ang isang kristiyano single man o hindi,m kapag naramdaman niya na siya ay nag-iisa bagamat marami siyang nakaksalamuha sa inglesia ay unti-unting manghihinana at ang pinakamasamang pwedeng mangyari ay ang tumigil siya sa pag-aatend o lumayo hindi lamang sa inglesia kundi sa Panginoon na mismo. Kapag ang isang kristiyano ay hindi na makatagpo ng “encouragement” at “belongingness”, dito nagsisimula na maramdaman niya na siya ay nag-iisa at mawala ang kanyang “fellowship” sa kapwa kristiyano at tuluyang manghina ang espiritwal na buhay o ang relasyon nito sa Panginoon.
Maling pakahulugan about “Loneliness”
Maraming pakahulugana ng tao patungkol sa “takot na mag-isa”, pero ang katotohanana ay marami tayong maling pakahulugan patungkol dito. Tatlo sa mga “misconception” na ito ay ang mga sumusunod:
1. Loneliness is not solitude.
Minsan ay may mga pagkakataong gusto natin ng katahimikan. At sa mga panahong ito, hindi naman ito “signs” na Lonely ka. Maging ang Panginoong Hesus ay may panahon ng “solitude” o “panahon ng pag-iisa” upang magkaroon ng panahon na makiniig at makinig sa Diyos Ama. Ganoon din sa atin, minsan kailangan nating magkaroon ng panahon ng “pag-iisa”, katahimikan at kapayapaan hindi dahil sa tayo ay nag-iisa kundi nais lamang natin na magkaroon na panahon para sa Panginoon.
2. Loneliness is not lonesomeness.
Ang katotohanan, “you might be alone, but never be lonely”. Kailanman ay hindi ka magiging “lonely” dahil sa nandyan ang ating mga kapamilya, kapatid, kapuso at mag kaibigan. May panahon lamang talaga na mag-isa ka dahil sa kabisihan ng buhay ngunit kalian man ay hindi ka magiging “lonely”. Ang sabi sa Mateo 1:23, ang pangalan ng Panginoon Hesus ay “Emmanuel” na ang ibig sabihin ay kasama natin ang Diyos. Kailanman ay hindi tayo mag-iisa dahil ng ginawa ng Panginoon Hesus na ibigay ang kanyang buhay sa krus ng kalbaryo at nuling nabuhay ay nagbigay daan ito upang maging poisble na makasama natin ang Diyos sa ating buhay.
3. Loneliness is not isolation.
May mga panahon na kailangang alisin mo ang sarili mo sa piling ng napakaraming tao na nakapaligid sa atin ngunit hindi ito nangangahulugan na ito ay pag-iisa o “loneliness”. Dahil sa ingay ng mundong ating ginagalawan minsan kahit gusto mo ng katahimikan ay hindi mo ito mahahanap unless na lang kung magkakaroon ka ng panahon para “mapag-isa” at i-“relax” ang isipang napapagod sa bawat araw. Sa maraming pagkakataon, mas gugustuhin din nating ilayo ang ating sarili sa grupo ng tao lalo na kung alam nating mali ang ginagawa at pinaggagagawa nila. Sabihan man nila tayo na “patay na bata” o “walang pakikisama” ay mas ok na ang mag-isa basta’t alam natin na ang ating ginagawa ay para sa kaluwalhatian ng Panginoon.
Bakit ba mayroong “Loneliness”?
Ayon sa pag-aaral, ang ilan sa mga sumusunod ay ang dahilan kung bakit tayo nagiging lonely:
1. Past Rejections – Maaring maraming beses ka nang nakakaranas na di pagtanggap ng iba o di tamang pakikitungo sa iyo ng iba na dahil dito ay mas gugustuhin mo na lamang na mag-isa upang maiwasan at wag nang maranasan pang muli ang “rejection”.
2. Insecurity – Kapag ang tingin mo sa iyong sarili ay sadyang napakababa kaysa sa iba, nagdudulot ito upang tayo ay matakot na ilapit an gating sarili sa iba. Nagdudulot ito upang ilayo ang ating sarili dahil tingin natin ay higit na nakatataas ang ilan at hindi tayo nababagay san a makasama nila.
3. Grief – Kapag feeling mo ikaw lang ang nasasaktan at walang makakaintindi sa iyo, ito ang magbubunsod sa isang tao upang ilayo ang kanyang sarili at mamuhay sa kalungkutan na nag-iisa.
4. Self-centeredness – Kapag lahat ng bagay gusto mong sarilinin, mapa-kayamanan o anumang material na bagay na may halaga at maging ang problema na iyong dinadala ay nagiging dahilan ito upang maranasan mo ang pagiging “lonely” sa buhay.
5. Sinful Lifestyle – Kung ang isang tao ay namumuhay sa kasalanan, ito mismo ang pinakadelikadong estado na nagdudulot upang maranasan mo ang “loneliness”. “Sin creates walls”, walls that will drive us away from others and the saddest truth is that our sin drives us away from the presence of the Lord. Kung titignan mo ang istorya ni cain, ang sabi sa Genesis 4:12, “Ikaw ay magiging palaboy at pagala-gala sa lupa”. Ng dahil sa kasalanan ni Cain, imbis na maranasan niya na lagging makasama ang Diyos ay hindi ito nangyari bagkus ay naging isa siyang palabaoy at pagalagala na ang buhay ay tila laging nag-iisa.
Mga MALING GAMOT para “Fear of Loneliness”
1. “Busy ako” attitude – Akala ng iba kahat magiging busy sila sa iba’t-ibang gawain ay hindi na nila maiisip o mararamdaman na nag-iisa o “lonely” ang isang tao. Kung ito ay gagawing gamut para sa “loneliness”, para lamang uminom ng gamot para sa sakit ng ngipin na ang tunay na remedy ay ang bunutin ang masakit na ipin. “Busyness is only a distraction, not a cure”.
2. “Shopping Galore” drama – kung i-try mo kayang i-“treat” at bigyan ng “reward ang iyong sarili, makakagamot kaya ito? Ang sagot, siyempre hindi. Maaring mapasaya ka ng mga bagay na maari mong bilhin para sa ating sarili at mawala ang ating “feeling of loneliness” temporarily o pansamantala. Para ka lamang bumili ng pampamanhid para mawala ang sakit ngunit makaraan ang ilang oras ay babalik din ang sakit na mas grabe pa sa una.
3. “In a Relationship” Status – Maaring ang maging solusyon ng iba ay ang magkaroon ng “intimate relationship” upang matugunan ang kanilang “lonely problem”. Maaring piliin ng iba na makipagrelasyon at i-try ang “sex” upang matugunan ang kanilang “loneliness” ngunit ito ay isang “false cure” o maling kasagutan na kung gagawin at ipagpapatuloy ay magdala lamang ng mas marami at malaking problema.
Kung ang mga ito ay hindi ang tamang solusyon, ano ba ang tamang solusyon sa “takot ng pag-iisa” o “fear of being alone o loneliness”? Para masagoot natin ang katanungan na ito, dapat maintindihan muna natin kung ano ba talaga ang kahulugan ng “Loneliness”.
“Loneliness is God's way of telling you that you have a relationship problem.”
Ito ang katotohan, kung bakit may loneliness ay dahil mayroong problema. Lahat tayo ay mayroong relationship problem na dapat gamutin. Lahat tayo ay may relationship problem sa Diyos. Ang sabi sa Roma 1:18:
“Sapagkat ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kalikuan at kasamaan ng mga tao, na sa pamamagitan ng kanilang kasamaan ay pinipigil ang katotohanan.”
Dahil sa ating mga kalikuan at kasalanan, nasira ang pinakamahalagang relasyon na dapat ay maranasan ng tao, iyon ay ang relasyon natin sa Diyos. Ng dahil sa kasalanan, habang buhay tayong nalayo sa Diyos at lahat tayo patutungo sa kamatayan[1]. Kung Maaayos ang relasyon sa Diyos, ito ang pasimula upang magamot at masolusyunan ang “takot sa pag-iisa o loneliness na mayroon sa ating buhay.
What is the Solution for “Fear of Loneliness”?
It is not about what but it is about who is the Solution? The solution is none other than the Lord Jesus Christ. Kung mayroong kasagutan sa problemang ito, iyon ay walang iba kundi ang Panginoong Hesus. Kung mayroon mang higit na nakakaintindi ng salitang “loneliness”, iyon ay walang iba kundi ang Panginoong Hesus. Magmula ng siya ay hulihin upang pahirapan at ipako sa krus ay naranasan na niya na iwan ng mga alagad na lagi niyang nakakasama[2]. Naranasan niya ang ipagkaila ng kanyang kaibigan ng tatlong beses[3] at sa pagbubuhat ng krus ay wala rin siyang kasama at hanggang sa krus ay narasanan niya ang maging mag-isa na maging ang Diyos Ama ay pinabayaan siya[4]. Alam ng Panginoon at naranasan niya ang lahat ng pag-iisa ngunit kailanman ay hindi siya natakot dahil kinailangan niya itong gawin upang tayo ay mapalaya sa takot ng pag-iisa.
Paano ko mararanasan ang Kalayaan na na kay Kristo?
Kung tatanggapin mo at pananampalatayaan mo na si Jesu-Kristo ay namatay para sa iyong mga kasalanan, aaminin mo na hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili at tanging si Krsito lamang ang makapagliligtas sa iyo at tunay mong pagsisisihan ang iyong mga kasalanan ay mararanasan mo ang Kalayaan na ito na na kay Kristo. Hindi ka na dapat matakot pa dahil kailanman ay hindi ka mag-iisa dahil ang pangako ng Panginoon ay lagi Niya tayong makakasama hanggang sa katapusan ng mundo[5]. Ang pangako niya ay kailanman ay hindi tayo iiwan, ni pababayaan man[6].
Three Truths to Remember
1. GOD loves us even though we never love HIM[7]. The greatest love that will give satisfaction in our Life is God’s Love. If our love is founded and rooted in His love, we will be able to love and find love from others in God’s own way. For this reason, we will never be alone.
2. GOD understand everything about us and HE is always ready to listen whenever we need HIM.
3. GOD wants us to be saved[8], so He sent HIS son to die at the Cross so that you might be able to be with HIM in Heaven.
No comments:
Post a Comment