Tuesday, February 15, 2011

SINGLE ka man o DOUBLE, Gusto KO Happy ka...

February 14.. "Araw ng mga puso" ang inaabangan ng halos karamihan sa mga taong may mga kapartner sa buhay (magbf/gf o mag-asawa). Ang araw na ito ay isang masayang araw para sa iba pero hindi daw para sa mga nag-iisa o "single". Anyways, isa ako sa mga taong sa tuwing sumasapit ang araw ng mga puso ay nakakaramdam ng kasiyahan at minsan ay nalulungkot din. Para sa'kin, ang "valentines day" ay isang ordinary day lamang, hindi dahil sa wala akong "girlfriend" (pero marami naman akong "girlfriends" as in "mga kaibigang babae") kundi dahil alam kong ang bawat araw ay Araw ng Pag-ibig. Maaaring akalain mo na inloved ako pero hindi ka nagkakamali.. In-loved ako dahil alam kong may umiibig sa akin, ang aking mga magulang, kapatid (sa physical at pananampalataya) at higit sa lahat ay dahil sa pag-ibig ng LORD na lagi kong nararanasan kaya para sakin ang bawat araw ay "Araw ng Pag-ibig ng Diyos".

May ilang mga nagtatanong sa akin kung hindi ba ko nalulungkot at halos ilang taon na kong single? Hindi ba ko nababagot? Hindi ba ko nayayamot o naiinis na ang iba sa mga kaedad ko ay may mga asawa o bf/gf na ngunit ako ay wala? Ang sagot ko ay "MEDYO" ngunit dapat ay "HINDI". Sa buhay dumadating ang kalungkutan lalo sa panahon ng kapaguran at panghihina, ito ang mga panahon na ang pagod ay nangunguna sa ating sarili at ang emosyon ay nangingibabaw. Isang bagay ang napagtanto ko, kung meron mang kahinaan ang tao na kung saan ay madali tayong masisira sa sandaling ito'y tamaan ay walang iba kundi ang ating "puso". Sabi sa Jeremiah 17:9, The HEART is DECEITFUL above ALL THINGS and BEYOND CURE, WHO can understand it? Kung meron mang pinakamandaraya sa lahat ng bagay, ito ay walang iba kundi ang ating "PUSO" o ang ating damdamin, emosyon o ang feelings na mayroon tayo. Kung bakit may mga panahon na tayo ay nagkakaron ng kalungkutan, ito ay dahil sa "kasinungalingan" na itinuturo sa atin ng ating puso. Lahat tayo nakakaranas ng kalungkutan kapag nag-iisa pero hindi naman dapat malungkot dahil ang katotohanan, kailanman di ka nag-iisa, maliban sa katotohanan na ang Diyos ay lagi nating kasama, maraming tao ang handang makinig satin, mga kaibigan at malalapit sa buhay natin na naghihintay na lamang tayo ay lumapit, kung bakit tayo nagiging "lonely" ay dahil tayo rin ang pumipili at may gustong maging "alone". Dapat ba tayong malungkot kung tayo ay single ngayong araw ng mga puso?, of course not!! Kung bakit "HINDI" tayo dapat malungkot kung tayo man ay "SINGLE", ito ay dahil ang katotohanan ay hindi tayo kailanman magiging single dahil ang kapartner natin sa buhay ay makapangyarihan, mabuti at matatag. Ito ay walang iba kundi ang PANGINOON. Hindi tulad ng tao na maaring mahalin ka ngayon ngunit bukas ay tila ba nagka-amnesia na at nawala na ang lahat kaya iiwan ka na, ang PANGINOON ay nagmamahal ng tapat at walang katulad. Kaya hindi tayo dapat malungkot kundi dapat ay magsaya at maging maligaya dahil sa ang ating partner ay magpakailanman at siguradong di tayo iiwan o pababayaan man.

SINGLE man o DOUBLE, este "in a relationship" ang status mo ngayon sa facebook o sa totoong buhay, dapat ay maging masaya tayo dahil sa lahat ng bagay may advantage ang pagiging single. Advantage ng pagiging single???? Siguro napapatanong ka ng ganito habang nababasa mo ang blog kong ito. "TAMA!!", maraming advantage ang pagiging single, bukod sa mas magkakaroon ka ng panahon sa sarili mo, sa pamilya at sa mga kaibigan mo, panahon din ito upang mas maihanda natin ang ating sarili upang tayo ay maging "mr/ms right" sa taong nilaan ng PANGINOON upang makasama natin sa buhay. Imbis na hanapin natin si ms/mr right ng buhay natin, bakit hindi na lamang natin ituon ang sarili natin na ayusin ang sarili upang maging handa at maging karapat-dapat para sa pagdating ng tamang panahon, tamang tao na niloob ng Diyos para sa atin ay magiging maayos ang buhay pag-ibig natin, diba??.

Kung sinasabi natin sa ating sarili na "panghabang buhay na yata akong magiging single at mag-isa..", nagkakamali ka sa iyong iniisip dahil ang katotohanan ay "we might be "CALLED" to "SINGLE" but we are "NEVER DESTINED" to be "ALONE". Oo, maaaari, take note, maaaring ikaw ay tinawag upang maging single (pero para sa akin, its your choice kung gugustuhin mong maging single forever) ngunit hindi tayo nakatadhana na maging "mag-isa". Alam ng PANGINOON na malungkot at hindi natin kakayanin na mag-isa kahit hindi NIYA hinayaan na maging "alone" and "lonely" tayo, dahil binigyan NIYA tayo ng "mga makakasama", sila ay ang ating mga magulang, mga kapatid at mga tunay na kaibigan na kailanman ay di tayo iniwan at iiwanan. So what I am saying is, maging happy and grateful tayo in everyday of our lives, kasi paniguradong hindi tayo mag-iisa at kung pagmamahal lamang ang tingin mo'y kulang sayo, ang pag-ibig ng ating mga magulang, kapatid, mga kaibigan at higit sa lahat ay ang PAG-IBIG ng LORD ay sapat at sobra-sobra pa. Ang sinasabi ng LORD satin, Single or Not "Gusto KO, Happy ka".