BEFORE AND AFTER: THE ENTRUSTING THE WORD FELLOWSHIP WORSHIP TEAM
|
Roselle and Marille |
|
Jun and Bjorn |
|
Jecon and Bjorn |
|
Hannah and Mia |
|
Marille and Roselle |
|
Adah, Macky and |
|
Hannah, Marife and Alexis |
|
Dwane, Jecon and Macky |
|
(Front)Hannah, Marille, Roselle and Mia
(2nd Level) Marife, Alexis, Enchong, Jun, Ariel
(Back) Bjorn, Jecon and Macky |
|
(Front)Hannah, Marille, Roselle and Mia
(2nd Level) Marife, Alexis, Enchong, Jun, Ariel
(Back) Bjorn, Jecon and Macky |
|
Ariel and Buboy |
|
A photo taken during Jecon's Birthday, the worship Team with Ate Yang, Michael Castro and Jecon's Friend |
|
Enchong and Junjun |
Halos isang taon at tatlong buwan na rin ang lumilipas simula ng ako ay mapadpad sa lugar ng san carlos, dito ay nakasama ang ang ilang mga kabataan na tumutugtog, kumakanta, tumatawa , umiiyak at higit sa lahat mga nakakila sa PANGINOON na ngaun ay naglilingkod sa KANYA. July 4, 2009, yan ang eksaktong araw ng iwan ko ang PCGC, upang maging "temporary" na hahawak ng worship team ng ETW Fellowship. Pero sa paglipas ng mga araw, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na ang dating plano na "temporary" na paglilingkod kay YAHWEH habang nasa ETW fellowship ay sadyang nagbago at binago NIYA. Dito ko nalaman, wala pa lang "temporary" na paglilingkod na matatawag, ang paglilingkod kay YAHWEH ay isang "permanent" destiny ng isang tunay na Kristiyano, kahit saang inglesia o church ka man. Kung ikaw ay sadyang tinawag ni YAHWEH upang maglingkod sa kanya, wala itong pinipiling lugar o panahon. Sa pagdaan ng mga araw, anong kagalakan at pagpapala ang ibinigay sa akin ni YAHWEH, kasama ang mga kabataan na kasama ko sa ETW Fellowship worship team. Nakita at saksi ako kung paanong gumawa at kumilos ang Diyos sa ministeryo ng pagpupuri at pananambahan sa pamamagitan ng tugtog at awitin (Worship Team in short O Music Ministry).
Nagsimula ang worship team na inabutan ko sa 3 kabataang babae, na nagngangalang Roselle Norcio, Mia Angelica Teves at Frances Marille Pueyo (also known as MiMaRo). Inabutan ko sila na naghahanda para sa worship service kinabukasan ng linggo. Ng araw na'yon, di ko alam kung natatakot ba sila sakin o mabaho ako.. Hehe.. Joke lang. Bago pa man ako pumunta ng etw, wala naman talaga akong balak na pumunta at dito maglingkod dahil masaya na ko sa palangoy. Pero ng minsan na ako ay magspeak sa yp ng etw fellowship, di ko alam kung bakit ng makita ko ang kalagayan ng worship team sa etw fellowship ay di na ko pinatahimik ng di malaman na pakiramdam na parang nagsasabi sakin na may kailangan akong gawin. Nang makausap ko si roselle at mia ng ngspeak ako sa yp nila, naitanong ko kung sino ang tumutugtog at nglelead sa kanilang pananambahan ay nakita ko sa mata nila ang kaba at pressure na meron sila na kahit bago pa lamang halos na sila lamang ang nag-aasikaso ng worship team. Di naglaon, naging malinaw sakin ang nais ni YAHWEH at ako ay nagpasiya na maging bahagi ng mission team ng etw fellowship at dito sa Inglesia na ito maglingkod sa Kanya. Matapos ang ilang linggo, dumating ang unang mga lalaki sa ETW worship team: ang mga gwapo, matitipuno at matcho??.. Si jecon Laureano at Mark Dwane Castro. Mga lalaking sadyang biniyayaan ng talento at kakayahan sa pagtugtog ng gitara. Sila ay mga nauna pa sa'kin sa worship team ng ETWF, pero dahil sa sila'y nagtrabaho ay medyo ngleave lang sila sa ministry pero matapos ang ilang buwan sila'y nagbalik upang magpatuloy sa paglilingkod kay YAHWEH. Simula ng pagdating ng dalawang ito, nagsimulang madagdagan ang ingay, tawanan at kasiyahan maging ang kagalakan na magkaroon ng fellowship at bonding habang naglilingkod at nagbibigay papuri, pagsamba at kaluwalhatian sa PANGINOON. Di naglaon, may isa pang gwapong dumating at nakasama namin sa worship team, c macky lirio.. Sa pagdating niya sa ETW, naging lalo pang masaya ang lahat. Dito rin ay nagsimula si macky na magcommit at matuto sa PANGINOON. Dati si macky ay kabilang sa mga pasaway na naturingan sa PCGC, isa siya sa mga tinaguriang tagabutas ng bangko pero simula ng siya ay aming makasama, malaki na ang pinagbago niya at ito ay dahil sa pagkilos ng PANGINOON sa kanyang buhay. Naging 6 na ang mga kabataang kasama ko sa ETWF worship team, at lumipas pa ang mga buwan, dumating at nakasama naman namin ang dalawang kabataang babae, sila Ivy Norcio (ate ni roselle) at Hannah Magbanua (tiyahin ni jecon, pero matanda c jecon kaysa kay hannah). Sa pagdating nila ay anong kagalakan ang sa grupo ay nagkaroon dahil mas dumadami pa kaming nagnanais na magpuri at sumamba sa PANGINOON gamit ang mga talento at kaloob na pinagkaloob ng Diyos. Mas lalong naging masaya ang bawat sabado dahil sa lalo pa kaming dumadami, eto rin ang panahon kung saan ang manok ni sr. Pedro ay naging bahagi o sponsor namin kapag kami ay kakain. Habang dumadaan ang panahon, dumaan din sa pagsubok ang worship team noong panahon na kinailangang mgtraho ng ilan aming mga gitarista na cla dwane at jecon. Pero ika nga nila, "blood is thicker than water", kaya di naglaon ay nagresign sa trabo ang dalawa at nagpatuloy sa gawain. Sa paglipas ng taong 2009, ang bawat isa sa may panibagong sigla, lakas, kapanabikan at kagalakan na magpatuloy sa gawain, ang magpatuloy sa pagpupuri, pagsamba, pagdakila at pagbibigay kaluwalhatian kay YAHWEH. Sa taong 2010, maraming bagay ang nangyari, maraming tao ang nadagdag at dinagdag ni YAHWEH sa aming inglesia, mga kaluluwang nakakilala at kumilala kay Kristo at di naglaon ay nagpasyang maglingkod sa PANGINOON, sila ay nakasama namin sa worship team. Sila ay sina: Jun Christopher "junjun" Sol, Bjorn Erielle Pueyo, Jestony "enchong" Ferrer, Marife Alonzo, Alexis Ferrer at Illuminad "adah" San Juan. Ang mga kabataang ito ang nagbigay ng panibagong sigla, ingay at lakas sa amin sa worship team. Sila ang mga kabataang may iba't-ibang ugali, gusto at talento. Ang iba sa kanila ay sadyang tahimik (hmmm... tulad ni marife, alexis, adah at enchong), yung iba topakin.. (di na dapat i-mention kung sino sila.. Hehe), yung iba gwapo (..siyempre yung 3 lalaki ung ibig kong sabihin, pero special mention si bjorn.. Hehe), yung iba sa kanila ay iyakin (sino kaya yun?), ang iba ay mahilig sa computer (jun, ikaw toh?), ang iba ayaw ng math (hmmm.. D q alam kung lahat sila ayaw ng math), at higit sa lahat; sila ay mga kabataang kumilala at sumampalataya sa PANGINOON, nagdesisyong maglingkod, mga binago at binabago ni YAHWEH, at mas pinili na magbigay ng panahon sa pagbibigay ng kaluwalhatian at pagsamba sa PANGINOON. Sa pagdating ng mga nila, ay lalo akong nagkaroon na kagalakan sa paglilingkod, hindi dahil nadagdagan kami sa bilang kundi dahil nakikita ko kung paano kumilos at gumawa ang PANGINOON sa aming ministeryo at nadagdagan muli ang mga kapatid ko na isang prebilehiyo sakin ang maging kuya sa kanila. Isang kagalakan sa akin ang makita ang mga kabataang kasama ko sa worship team na nagbabago, naglilingkod ng may kagalakan bagamat marami ang pagsubok na dinaranas at hinaharap, nagtatagumpay bagama't sinusubok, at nagsisisi, nanunumbalik at natututo sa PANGINOON. Marami na ring nangyari, mga di nakakatuwa, nakakaiyak at sermunan pinagdaanan kasama sila, maging ako ng nasesermonan ng mga batang to pag nagpapasaway ako.. Hehe. Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan at di natatapos at lalo pang nag-uumapaw ang pagpapala, pagsubok at pagtatagumpay na ibinigay ng PANGINOON sa akin, sa ministeryo at gawain, sa etw fellowship, sa etw worship team, young teens, young people at iba. Di naglaon, muling may dinagdag ang PANGINOON na mga kabataan sa aming inglesia, at ang mga ito ay naging mga bago naming kasama at kapatid sa worship team, sila ay sina: Ariel Leongas at Salvador "buboy" Perante. Ang dalawang ito ay mga talented, si buboy ay isang drummer, kaibigan at kabarkada nila dwane at jecon. Isa rin siya sa mga kabataang kumilala at nagtiwala sa PANGINOON na ngayon ay nagdesisyon na maglingkod. Si Ariel naman, bagamat lumaki sa leyte, ngayong siya ay narito sa binangonan kasama ang mga magulang niya ay di inaasahang napadpad sa aming kapilya at ngaun ay kasama na namin. Siya ay marunong tumugtog ng instrumento at ang isang bagay na nakakatuwa, ay isa siyang kristiyano na bago pa man napunta sa etw. Ang dalawang ito ang pinakabago sa pamilya ng ETW Fellowship, at ng worship team. Sa ngayon, ang lahat sa amin sa worship team ay masigasig sa paglilingkod, bagamat may mga pagsubok ay narito pa rin at sama-sama kami sa paglilingkod. Nawa'y di maglaho at patuloy na mag-alab hindi lamang sa pagnanais kundi sa tunay na pananampalataya at pagtitiwala sa PANGINOON, na may pamumuhay ng pagsunod sa nais at kalooban ng Diyos, na may mapagpakumbabang puso na handang humingi ng kapatawaran at magsisi at handang isuko ang lahat sa PANGINOON ang bawat isa amin sa worship team at sa ETW Fellowship. "Kami sa worship team ay isang PAMILYA, magkapatid, magkapamilya, magkapuso, magkabarkada na may pagkakaisa sa layunin na maging isang buhay na patotoo at nagbibigay kaluwalhatian, papuri, pagsamba sa kadakilaan sa PANGINOON. Ang bawat isa ay napamahal na sa akin, tulad ng mga bestfriend kong si manuel at iking, sila ay mahahalagang bahagi ng buhay ko. Isang kalungkutan sa akin kung sila ay malungkot, kasakitan kung sila'y nasasaktan, kagalakan kung sila ay pinagpapala, nagtatagumpay at nagpapatuloy ng may katapatan sa PANGINOON. Maraming salamat at binigyan mo ako ng isang pamilyang napakabait at walang katulad, mula sa aking nanay at tatay, kay kuya mike at jepoy.. Sa aking pamilya sa PCGC, sa pcgc worship team at young pro, mga matalik na kaibigan na sina manuel at iking, at isang bagong pamilya sa Entrusting The Word Fellowship, lalong lalo sa sa ETW Worship Team.
Fact: naging bahagi ng etw fellowship worship team ang mga sumusunod: magmula kay lumanog, hanggang kay davis at ngayon ay si fernando. At si fender squier na minana pa namin sa palangoy. Sa beatbox ni iking, sa tambourine at eggshaker na naging kaibigan sa amin.
To God be the glory, honor, worship and praise.
Note:
This is the updated version, Pictures are already uploaded and everyone is welcome to read, make a comment but please, avoid foul and bad words. Additional pictures will be uploaded in the future. Thank You.