Bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa isang babaeng nag-ngangalang "roselle norcio" na masugid, matiyaga, masipag, mapagpasensya at mapagpasensya dahil sa kanyang walang sawang pagsubaybay at pagbabasa ng mga blog entries ko na nakakaboring at nakakaantok. I really appreciate it.
Hmmmm.. Actualy, ang blog entry kong ito ay sadyang napaka"weird", marahil dahil sa wirdo nman talaga ang author nitong blog na to.. (ako ba yun?). Di ko alam kung bakit wirdo ang araw na ito (sept. 13, 2010), di ko alam kung sadyang epekto lng to ng round trip at non-stop na pgbyahe sa mrt mula taft station hanggang north ave. Station. Di ko alam kung may iniisip ba ko, e wala nga akong maisip. Gusto kong magpahinga pero kahit gusto ko ng matulog eh para bang may nagsasabi skin na mgsulat sa blog kong ito kahit sa totoo lng wala akong naiisip na tumpak na idea kung anong isusulat ko. Ano nga bang isusulat ko? Sino o Ano namang magiging topic ko ngaun sa blog entry na to? Bakit ko kailangang magsulat dito? Ilan lamang to sa mga tanong ko sa sarili ko na di ko alam ang sagot, basta sinusulat ko na lamang lahat ng kung anumang maisip ko habang nagsusulat sa blog na ito.
Ang orihinal na plano ko sa araw na ito eh ang magsulat ng article patungkol sa worship team kaso kahit anong gawin kong pag-iisip ng maayos ay sadya yatang walang kaayusan ang pag-iisip q ngaun. Anyway, napapaisip ako kung minsan, (actualy madalas) kung bakit may ganitong mga pagkakataon na ang tingin ko sa buong araw at maging sa sarili ko napakawirdo. Napapaisip ako at nagtatanong, may problema ba ko? Eh lagi naman nariyan ang problema, kaya wala ring sapat na dahilan para un maging sanhi kung bakit feeling ko napakawirdo ng araw na ito. Kung dahil naman to sa pagod, sana nakatulog na ko ng maaga. Pero kung iisiping mabuti, kung mayroon mang dahilan kung bakit wirdo ang araw na ito, marahil dapat kong balikan ang araw na ito mula sa paggising ko sa umaga. Ano nga bang ginawa ko sa paggising ko kaninang umaga? Hmmm.. Late lang naman akong nagising, kaya nagmadali akong bumangon ng higaan, nagkape, naligo, nagbihis, at nagmamadaling pumunta sa sakayan ng jeep. Tapos, pagsakay ko ng jeep, 1 and 1/2 hour umupo, nainitan, nausukan, at natulog dahil napakatraffic.. Anyway, base dito.. Mukhang alam ko na kung ano ang mali sa simula ng araw na ito at weird ang lahat. Maliban sa nakalimutan o nagkataon na napasarap ako sa pagtulog at late gumising, nakalimutan ko rin palang manalangin, at hindi man lamang din ako nagdevotion. Kung bakit weird ang araw na'to, e hindi dahil sa wirdo ang paligid o maging ako.. Sadya lamang nakalimutan kong unahin ang dapat unahin, at iyon ang ang maglaan ng panahon para sa PANGINOON. Patawarin mo po ako PANGINOON, dahil madalas kitang hinuhuli sa aking buhay. Turuan at tulungan Mo ako na Ikaw ang laging maging una, as in no.1 sa buhay ko, nasaan man, kailanman at kung ano man ang aking ginagawa at gagawin pa. Maraming salamat dahil ako ay maraming pagkukulang, Ikaw kailanman ay hindi nagkulang sa akin at lagi Kang nariyan na nag-iingat, naggagabay at nagmamahal sa akin. Salamat PANGINOON, sa Iyo ang lahat ng pagsamba, papuri at kaluwalhatian.