My Cellgroup
The Yirmeyahu (Jeremiah) Group
narito ang grupo ng mga kalalakihan na nakakilala at sumampalataya sa PANGINOON. Mga taong nagtiwala kay YAHWEH, mga mananampalatayang nagbago at patuloy pang binabago ng PANGINOON. Heto ang aking cellgroup, ang tawag ko sa grupo ay the Yirmeyahu (Jeremiah) Group.. Actually di nila alam ang tawag sa grupo, gawa-gawa ko lang.. Hehe. Ang aming cellgroup ay kinabibilangan ng mga gwapo at matipunong kalalakihan, (dahil lahat ng anak ng Diyos ay magaganda at gwapo kaya gwapo kaming lahat sa cellgroup.. Hehe). Hayaan nyong ipakilala ko sila:
JECON LAUREANO
BJORN ERIELLE PUEYO
JUN CHRISTOPHER (JUNJUN) SOL
JESTONY FERRER
DWANE MARK CASTRO
MARK LHIROY LIRIO
1. Jecon Laureano
Skills:
Maggitara
Magbeatbox
Magpiano/organ
Kumanta
Si jecon ang isa sa mga pioneer youth member ng ETW Fellowship. Madami silang mga lalaki dati nung nagpapasimula pa lamang ang gawain sa san carlos, pero sa dami nila ay isa lamang si jecon sa mga nanatiling matatag at nanatili. Malaki ang pinagbago ni jecon mula ng una ko siyang nakilala ng ngcecelgroup pa lang kami sa kanila ng dating panahon. Siya ay isang masayahing tao, mahilig magjoke at isang humble na tao. Magaling siyang tumugtog pero lagi niyang sinasabi na may mas at marami pang mas magaling sa kanya. Siya ay aktibo ring miyembro ng ETW fellowship worship team.
2. Bjorn Erielle Pueyo
Skills:
Mag beatbox
Nag-aaral maggitara
Nag-aaral kumanta
Gwapo (skill ba to?)
Si bjorn ang pinakabata sa cellgroup namin. Siya ay mabait, magaling magbasketball, gwapo at ngayon ay nagpaptuloy na kilalanin at paglingkuran ang PANGINOON. Dati ay halos di mo makakausap yan at madalas dumadaan lang sa chapel, pero simula ng nakakilala siya sa PANGINOON, isa na siya sa mga laging laman ng kapilya. Isa siya sa mga aktibong miyembro ng young people.
3. JUN CHRISTOPHER "JUNJUN" SOL
Skills:
Magcomputer (IT kasi coursed niya sa college)
Kumanta (Isa siya sa mga worship lead trainee)
Siya ay panganay sa magkakapatid, masipag at mabait na anak sa kanyang mga magulang. Sa ngayon, siya ay nagpapatuloy sa paglilingkod sa PANGINOON sa music ministry.
4. JESTONY "ENCHONG" FERRER
Skills:
mag-tamborine
may boses din
sumayaw
at. Patuloy pang hinahanap ang mga gifts/talents na binigay sa kanya ng PANGINOON.
Siya ang pinakatahimik saming grupo. Moody, minsan tahimik, minsan maingay. Malaki ng pinagbago niya. Patuloy siyang binabago ng PANGINOON at patuloy na lumalago.
5. DWANE MARK "DWANE" CASTRO
Skills:
Accoustic/Electric/Base Guitar
Beat box
Leadership
Si dwane ang isa sa mga problemado saming lahat. Sa aming lahat, siya ang isa sa maraming pagsubok na pinagdadaanan, ngunit, sa kabila ng lahat ay patuloy na nagtitiwala at nanatili sa PANGINOON. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang buhay, siya ay nananatiling matapat sa PANGINOON. Masipag at matalino. Isa siya sa aming grupo na sa ngayon ay nagle-lead na ng cell group.
6. MARK LHIROY "MACKY" LIRIO
Skills:
Maggitara
Magbeatbox
Mathematician
Magandang lalaki
Siya ay isa sa mga kasama kong naggaling sa PCGC na ngayon ay naglilingkod sa PANGINOON sa ETWF. Isa siya sa mga dating "pasaway" na binago at patuloy pang binabago ng PANGINOON. Isa siyang matalino at masipag na mag-aaral. Mahilig siyang magbasketball at magaling siya sa larong ito. Isa din siya sa aming grupo na nagle-lead na rin ng cellgroup.
Hindi ko man masabi ang lahat ng kanilang mga katangian, pero isang bagay lamang.. Sila ay mga ordinaryong kabataan lamang, ngunit kung meron mang espesyal sa kanila, hindi iyon ang anumang galing o kakayahan na meron at kaya nilang gawin. Sila ay mga ordinaryong kabataan na may "extra-ordinary" na Diyos. Ang Makapangyarihan, Banal, makatwiran at mapagmahal na Diyos, si YAHWEH ang nagbigay ng buhay, nagbago at nagbabago sa bawat isa sa amin. Ang aming cellgroup ay hindi nabuo upang magkaron lamang ng bonding at magfellowship sa isa't-isa. Hindi lamang upang mag-aral ng salita ng Diyos kundi ang isabuhay ang mga ito. Hindi upang bigyang lugod ang aming mga sarili kundi ang ibigay ang papuri, pagsamba, kadakilaan at kaluwalhatian kay YAHWEH na dahilan kung bakit kami nabubuhay. Amen